CMG Komentaryo: Balak ng Hapon hinggil sa Taiwan, makakapinsala sa kapayapaan at katatagan ng buong Asya

2022-06-09 14:58:40  CMG
Share with:

Dalawang kapansin-pansing balita ang isiniwalat kamakailan ng mga media ng Hapon: una ay tungkol sa plano ng pamahalaang Hapones na magpadala sa Taiwan ng pirmihang kinatawan mula sa Ministri ng Tanggulan nito, para pahigpitin ang pangangalap ng impormasyon; at pangalawa ay kaugnay ng balak na pagtatayo ng unipikadong kuwartel upang pamunuan ang hukbong pandagat, panlupa at panghimpapawid para harapin ang mga di-umanoundefinedy pagbabago sa kalagayan ng Taiwan.

 

Kung totoo ang naturang ulat, itoundefinedy magiging napakapanganib na hakbang ng Hapon sa isyu ng Taiwan ng Tsina.

 

Ang pundasyon ng normalisasyon ng relasyong Sino-Hapones ay ang paggigiit ng Hapon sa patakarang Isang Tsina at maayos na paghawak sa isyu ng Taiwan.

 

Pero nitong ilang taong nakalipas, madalas hinahamon ng Hapon ang Tsina sa pamamagitan ng isyu ng Taiwan.

 

Kahit nagtapos na ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hindi nawala ang lahat ng puwersa ng makakanang ekstrimismo at militarismo sa Hapon.

 

Nitong ilang dekadang nakalipas, laging pinalalaki ng naturang mga puwersa ang isyu ng seguridad sa paligid ng Hapon, lalo na sa usapin ng Taiwan.

 

Layon nilang alisin ang limitasyon ng Konstitusyon ng Hapon at muling tumahak sa landas ng militarismo.

 

Kaya, dapat lubos na mag-ingat ang mga bansang Asyano sa mga aksyon ng Hapon na nagnanais maghasik ng tensyon sa rehiyon at sirain sa rehiyonal na katatagan at kapayapaan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio