Xi Jinping, sinagot ang liham ng mga estudyante ng cadre workshop ng Julius Nyerere Leadership School

2022-06-10 14:52:07  CMG
Share with:

Nagpadala nitong Miyerkules, Hunyo 8, 2022 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng liham bilang sagot sa lahat ng mga estudyante ng Former Liberation Movements of Southern Africa Leading Cadres Workshop 2022 ng Mwalimu Julius Nyerere Leadership School.

 

Idiniin ni Xi na ang kabataan ay pundasyon ng pangmatagalang pagkakaibigan ng mga mamamayang Sino-Aprikano. Umaasa aniya siyang aktibong lalahok ang mga estudyante ng cadre workshop sa usaping pangkaibigan ng Tsina at Aprika para ibayo pang pataasin ang relasyon ng dalawang panig sa mas mataas na antas.

 

Ang workshop na idinaos kamakailan sa Tanzania, ay nilahukan ng 120 middle-aged at young cadres mula sa 6 na partidong Aprikano.