Berdeng pagyari, makakapagpaganda ng kapaligirang ekolohikal

2022-06-15 14:49:58  CRI
Share with:


Bilang malaking bansa ng industriya ng pagyari, aktibong pinapasulong ng Tsina ang bagong paraan ng berdeng produksyon.

 

Layon nitong tipirin ang enerhiya, pababain ang consumption, at bawasan ang polusyon.

 

Itinayo sa iba’t ibang lugar ng bansa ang mga berdeng pagawaan at parke.

 

Sunud-sunod na pumasok sa pamilihan ang mga berdeng produkto.

 

Sa pamamagitan ng photovoltaics, smart factory, pagbabawas sa polusyon, pagpapababa ng karbon at iba pang paraan, walang humpay na nagiging berde ang mga pagawaan.

 

Bunga nito’y naging mas de-kalidad ang mga produkto, mas mababa ang energy consumption, at mas maganda ang mga parke.

 

Ang magandang kapaligirang ekolohikal ay berdeng bunga ng de-kalidad na pag-unlad.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac