Kagila-gilalas na natamo ng Tsina sa pagpigil sa desertipikasyon

2022-06-16 15:57:11  CRI
Share with:


Nitong nakalipas na ilang dekada, walang humpay na natamo ng usapin ng pagpigil at pagsasaayos sa desertipikasyon ng Tsina ang mga bagong breakthrough, at naabot ang maraming kagila-gilalas na layunin.

 

Matatagpuaan sa hilagang kanluran ng Tsina, ang Disyerto ng Mu Us o Maowusu ay isa sa apat na pinakamalaking disyerto ng bansa.

 

Nang maitatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, umabot sa 42,200 kilometro kuwadrado ang kabuuang saklaw nito.

 

Pagpasok ng dekada 50 ng nagdaang siglo, sinimulang itanim ng mga mamamayan ang mga puno, at isinagawa ang malawakang proyekto ng pagbabago sa disyerto.

 

Dahil dito, nakontrol na sa ngayon ang pagkawala ng lupa sa Disyerto ng Mu Us, at naging kaaya-aya ang tanawin dito.

 

Bukod sa Disyerto ng Mu Us, unti-unti ring nagbago ang kapaligirang ekolohikal ng mga disyertong gaya ng Disyerto ng Ala Shan at Disyerto ng Kubuqi sa Inner Mongolia; Saihanba sa Lalawigang Hebei; Minqin County ng Lalawigang Gansu; at iba pa.

 

Sa pamamagitan ng maikling video, sariwain natin ang mga nakamtan ng Tsina sa pagpigil sa desertipikasyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio