MFA ng Tsina: Patuloy ang mapayapa at makatarungang paninindigan sa isyu ng Ukraine

2022-06-17 15:09:55  CMG
Share with:

Bilang tugon sa pahayag ng Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na nasa maling panig ng kasaysayan ang mga bansang sumama sa panig ng Rusya, ipinahayag nitong Huwebes, Hunyo 16, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas (MFA) ng Tsina, na palagiang pinapanigan ng Tsina ang kapayapaan at katangruan sa isyu ng Ukraine.

 

Idiniin ni Wang na ang konklusyon ng Tsina ay nagsasariling ipinasiya batay sa kasaysayan at katotohanan sa isyu ng Ukraine.

 

Sinabi ni Wang na patuloy na pinapasulong ng Amerika ang pagpapalawak ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) patungo sa silangan. Ito aniya ay pangunahing dahilan ng muling pagkakaroon ng sagupaan sa Europa.

 

Sinabi pa ni Wang na ang mga patakaran at hakbangin ng Amerika sa isyu ng Ukraine ay nagpapsulong ng paglala ng sagupaan sa Ukraine sa halip ng paglutas ng isyung ito.

 

Bukod dito, inulit ni Wang na palagiang kumakatig ang Tsina sa talastasang pangkapayapaan ng Ukraine at Rusya.


Salin: Ernest

Pulido: Mac