Op-Ed: Pagkakaibigan, himig ng relasyong Sino-Pilipino

2022-06-17 16:09:29  CMG
Share with:

 

Kung ang relasyong Sino-Pilipino ay isang dakilang simponya, wala itong ibang magiging tunog kung hindi ang himig ng pagkakaibigan.

 

Pormal na itinatag noong Hunyo 9, 1975 ang diplomatikong ugnayan ng Tsina at Pilipinas.

 

Noong 2002, ipinatalastas ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Hunyo 9 bilang Filipino-Chinese Friendship Day, isang palatandaang nasa nukleo ng relasyon ng dalawang bansa ang pagkakaibigan.

 

Ang pagkakahalal ni Ferdinand undefinedBongbongundefined Marcos Jr. bilang bagong pangulo ng Pilipinas ay isa ring mahalagang pangyayari dahil siya ang anak ng tagapagtatag ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Tsina.

 

Malakas ang paniniwalang gaya ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipagpapatuloy ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagtahak ng relasyon ng dalawang bansa sa landas ng pagkakaibigan.

 

Ang landas na ito ay ang tamang tunguhin ng pangkasaysayang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

 

Sapul nang itatag ang diplomatikong relasyon ng Tsina at Pilipinas, dumaan sa tatlong yugto ang katayuan ng relasyon ng dalawang bansa:

 

Una, kooperatibong relasyong nakabase sa mabuting pakikipagkabitbansa at mutuwal na tiwala patungo sa ika-21 siglo na itinatag noong 1996 nina Pangulong Jiang Zemin ng Tsina at Pangulong Fidel Valdez Ramos ng Pilipinas;

 

Ikalawa, estratehikong kooperatibong relasyon na naglalayong isulong ang kapayapaan at kaunlaran na itinatag noong 2005 nina Pangulong Hu Jintao ng Tsina at Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Pilipinas;

 

Ikatlo, komprehensiboundefinedt estratehikong kooperatibong relasyon na itinatag noong 2018 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas.

 

Ipinakikita ng naturang tatlong yugto ang patuloy na pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

 

Ito rin ay palatandaan na ang pagkakaibigan ay pinakamalaking komong palagay ng dalawang bansa.

 

Sa pagharap sa malaking hamon na dulot ng pandemiya[ZG1]  ng Coronavirus Disease 2019 (COVID 19), malaking bunga ang natamo rin ng dalawang bansa.

 

Sa kabilang dako, noong unang kuwarter ng 2022, ang bolyum ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas ay umabot sa halos $USD16.5 bilyon, na lumaki ng 34.7% kumpara sa gayung ding panahon ng taong 2021.

 

Ang halaga ng pamumuhunan ng Tsina sa mga di-pinansiyal na larangan ng Pilipinas ay lumampas naman sa $USD27 milyon, na lumaki ng 85.2% kumpara sa gayung ding panahon ng taong 2021.

 

Sa kasalukuyan, ang Tsina ay ang pinakamalaking trade partner ng Pilipinas, ikatlong pinakamalaking destinasyon ng mga iniluluwas na produkto ng Pilipinas, at ikalawang pinakamalaking pinagmumulan ng dayuhang pahunan ng Pilipinas.

 

Base sa mga ito, masasabing ang pagpapanatili ng pagkakaibigan ng dalawang bansa ay magdudulot ng aktuwal na kapakanan sa isaundefinedt isa.

 

Talagang mahaba ang panahon ng pagpapalagayan ng mga mamamayang Tsino at Pilipino, lalo na sa larangan ng kultura at pagpapalitang tao sa tao.

 

Halimbawa, maraming salita sa wikang Filipino ay galing sa wika ng lalawigang Fujian ng Tsina na gaya ng kuya, ate at lumpia, at iba pa.

 

Bukod dito, ang lolo sa tuhod ni Dr. Jose Rizal ay mula rin sa lalawigang Fujian.

 

Samantala, dahil sa prospek ng negosyo at iba pang dahilan, maraming Tsino ang nagpunta sa Pilipinas nitong sanlibong taong nakalipas. Bunga ng mabuting pagtanggap ng mga Pilipino, marami sa kanila ang nanatili at naging mga mamamayan ng Pilipinas

 

Kaya masasabing ang pagkakaibigan ay tunguhin ng kasaysayan ng pagpapalagayan ng mga Tsino at Pilipino.

 

Isang mahalagang patunay rito ay ang hindi kailanman pagkakaroon ng digmaan sa pagitan ng dalawang bansa.

 

Kahit sa pinakamahirap na panahon ng ugnayang Sino-Pilipino dahil sa isyu ng South China Sea, pinaboran pa rin ng dalawang panig ang politikal na kalutasan sa halip na armadong sagupaan.

 

Sa aktibidad na idinaos noong Hunyo 8, 2022 bilang pagdiriwang sa Ika-47 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko at Ika-21 Anibersaryo ng Filipino-Chinese Friendship Day, ipinahayag ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang optimismo sa relasyong Pilipino-Sino sa termino ni Pangulong Bongbong Marcos.

 

Ani Arroyo, mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Sr., buong sikap na pinasulong ng halos lahat ng mga pangulong Pilipino ang positibong relasyon sa Tsina.

 

Aniya pa, malaki ang suporta at ambag ng Filipino-Chinese Community sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

 

Ipinakikita ng nasabing dalawang dahilan na ang pagkakaibigan ay pangunahing tunguhin ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Sinabi kamakailan ni Pangulong Bongbong Marcos na isa sa mga terminong natutunan niya sa isa sa mga pulong na inanyahayan siyang daluhan sa Tsina ay ang undefinedpeople to people exchangeundefined.

 

Aniya, ang ugnayang tao sa tao ay isang larangan, at isang direksyon na maaaring pagtuunan ng pansin ng Pilipinas at Tsina para mapalakas ang pundasyon ng partnership at pagkakaibigan ng dalawang bansa, tungo sa magkasamang pagsulong sa maunlad na kinabukasan.

 

Saad pa ni BBM, upang maisakatuparan ang pagbangon makaraan ang pandemiya, kailangan ng Pilipinas ang ibaundefinedt ibang partner, at ang Tsina bilang malapit na kapitbansa at matalik na kaibigan ay laging pinakamalakas na partner ng Pilipinas.

 

Sana ay manatiling mabuti ang relasyon ng Tsina at Pilipinas sa hinaharap.


Sulat:  Ernest

Pulido: Rhio/Jade