Dr. Tang Yong, muling nahalal bilang miyembro ng UNCLCS

2022-06-17 15:11:53  CMG
Share with:

 

Ayon sa ulat, muling nahalal nitong Miyerkules, Hunyo 15, 2022 si Dr. Tang Yong, kandidato ng Tsina, bilang miyembro ng UN Commission on the Limits of the Continental Shelf (UNCLCS). Ang bagong termino ni Tang ay tatagal mula 2023 hanggang 2028.

 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Huwebes, Hunyo 16, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na pinahahalagahan at sinusuportahan ng panig Tsino ang gawain ng UNCLCS. Naniniwala aniya siyang ibayo pang magbibigay si Dr. Tang ng aktibong ambag para sa mga gawain ng komisyon.

 

Bukod dito, bumati si Wang sa mga bagong halal na miyembro mula sa ibang mga bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Mac