Kauna-unahang rail loop sa disyerto sa daigdig, naisaoperasyon sa Tsina

2022-06-17 16:48:01  CRI
Share with:


Pormal na naisaoperasyon Huwebes, Hunyo 16, 2022 ang daambakal sa pagitan ng Hotan City at Ruoqiang County sa Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina.

 

Matatagpuan sa katimugan ng Taklamakan, pinakamalaking disyerto sa Tsina, 825 kilometro ang kabuuang haba ng naturang daambakal, at nasa sandstorm-prone areas ang 534 kilometro, o 65% ng kabuuang haba nito.

 


Nabuo ng naturang bagong daambakal, kasama ng Golmud-Korla railway at Southern Xinjiang railway ang isang 2,723 kilometrong rail loop sa disyerto.

 

Nagsilbi ito kauna-unahang rail loop sa disyerto sa daigdig.

 

Ang pagsasaoperasyon ng naturang daambakal ay nagbibigay-ginhawa sa pagpapadala ng mga katangi-tanging produkto ng Xinjiang na gaya ng bulak, walnuts, dates at minerals sa iba’t ibang sulok ng bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac