Pagpapanatili ng direktang diyalogo kay Vladimir Putin, "lubos na kailangan" — Olaf Scholz

2022-06-19 14:05:18  CRI
Share with:

Matapos ang kanyang biyahe sa Ukraine, ipinahayag nitong Hunyo 17 (local time), 2022 ni Olaf Scholz, Chancellor ng Alemanya, na “lubos na kinakailangan” ang pagpapanatili ng direktang diyalogo kay Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.

 

Ipinahayag ni Scholz na patuloy siyang makikipagdiyalogo kay Putin, at patuloy din itong gagawin ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya.

 

Nanawagan siya sa Rusya at Ukraine na isakatuparan ang tigil-putukan at hanapin ang paraan upang marating ang kasunduang pangkaapayapaan.

 

Kaugnay ng pagpiprisinta ng Ukraine upang maging miyembro ng Unyong Europeo (EU), ipinahayag ni Scholz na tatalakayin ito sa European Union (EU) Summit sa darating na linggo.


Salin: Lito

Pulido: Rhio