Paninirang-puri at diskriminasyon sa social media, kailangang bantayan - — António Guterres

2022-06-19 14:03:52  CRI
Share with:

Hunyo 18, 2022 ay unang Pandaigdigang Araw ng Pakikipaglaban sa Mapoot na Pananalita (International Day for Countering Hate Speech).

 

Kaugnay nito, nanawagan si António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nationss (UN), na dapat bantayan ang mga paninirang-puri at diskriminasyon sa internet at social media upang tuluyang masawata ang lumalaganap na mapopoot na pananalita.

 

Ipinahayag ni Guterres na ang mga mapoot na pananalita ay mitsa ng  karahasan, nakakasira sa dibersidad at lakas ng lipunan, at nagsasapanganib sa halaga ng sentido-komon at prinsipyo ng komunidad ng daigdig na nananabik sa pagkakaisa.

 

Dahil dito, ipinagdiinan niyang nararapat tutulan ng daigdig ang pagkalat ng mapoot na pananalita sa internet at social media.

 

Tinukoy pa niya na ang mga mapoot na pananalita ay mapanganib para sa lahat ng tao, at dapat maging responsibilidad ng bawat tao ang pakikibaka laban dito.

 

Nanawagan siya sa komunidad ng daigdig na isagawa ang mga aksyon para puspusang pigilin at pawiin ang mga mapoot na pananalita, sa pamamagitan ng pagpapasulong ng respeto sa dibersidad at inklusibidad.


Salin: Lito

Pulido: Rhio