Ngayong araw, Hunyo 19, 2022 ay Araw ng Ama (Father's Day).
Sa opisina ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, may isang litrato kung saan makikitang naglalakad ang pangulong Tsino kasama ang amang si Xi Zhongxun, kilalang Tsinong rebolusyonaryo, asawa at anak na babae.
Litrato ng pamilya ni Xi Jinping, kasama ang kanyang amang si Xi Zhongxun, asawang Peng Liyuan, at anak na babae.
Malaki ang impluwensya ni Xi Zhongxun sa buhay, trabaho at personal na karakter ni Xi Jinping, at makikita ito sa isang liham na ipinadala ni Xi Jinping sa kanyang ama.
Noong Oktubre 15, 2001 ay ika-88 kaarawan ni Xi Zhongxun.
Maraming miyembro ng pamilya ang nagpunta sa tahanan niya para magpahayag ng pagbati at upang magdiwang.
Pero, dahil sa napakaraming trabaho, di nakauwi si Xi Jinping, na noon ay gobernador ng probinsyang Fujian.
Sa halip, isang liham ang ipinadala niya para sa kanyang ama.
Dito, ipinahayag ni Xi Jinping ang napakalalim na damdamin, at maraming namanang ginintuang kalidad mula sa ama.
Aniya,“sa pamamagitan ng inyong napakalawak at napakalaking pag-ibig, naimpluwensyahan ang mga nakapaligid na tao. Parang isang ‘matandang maaasahang kalabaw,' matahimik kang nagsasakripisyo para sa mga mamamayang Tsino. Ito ang aking inspirasyon sa paglilingkod sa mga mamamayan sa buong buhay ko.”
Si Xi Zhongxun ay isang “lider mula sa mga mamamayan.”
Madalas niyang sinasabing siya ay anak na lalaki ng mga magsasaka, at palagian niyang itinuturing ang sarili bilang isang miyembro ng uring manggagawa.
Nang manungkulan siya noong 1943 bilang Kalihim ng Komiteng Prepektural ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa bayang Suide, probinsyang Shanxi ng Tsina, pinaglingkuran ni Xi Zhongxun ang 520 libong mamamayan.
Xi Zhongxun sa lalawigang Shanxi noong 1946.
Noong Agosto ng 1978, naglakbay-suri si Xi Zhongxun (ika-3 mula kaliwa) sa kanayunan ng probinsyang Guangdong.
Namana ni Xi Jinping ang kasipagan at praktikal na atityud ng kanyang ama.
Noong siya ay nakatalaga sa Zhengding, tinungo ni Xi Jinping ang lahat ng nayon doon; sa Ningde, nilakbay-suri niya ang siyam na bayan sa tatlong buwan, matapos ang kanyang pagdating; sa Zhejiang, ginamit niya ang isang taon para puntahan ang lahat ng 90 bayan, lunsod, at distrito ng probinsya; sa Shanghai, ginugol niya ang pitong buwan para bisitahin ang 19 na bayan ng buong lunsod.
Malinaw na nakikita ng mga mamamayan, ang napakasipag na pagpupunyagi ni Xi Jinping sa mga gawaing pampubliko.
Noong taong 1983, pinakinggan ni Xi Jinping (nasa gitna sa unang hanay), kalihim ng Komite ng CPC sa bayang Zhengding, ang mga palagay ng mga mamamayang lokal.
Noong Disyembre 2, 1989, pinamunuan ni Xi Jinping, Kalihim ng Komiteng Prepektural ng CPC sa Ningde ng probinsyang Fujian ang mahigit isang libong kadre sa pagtatrabaho.
Sapul noong taong 2012, bilang pinakamataas na lider ng Partido at bansa ng Tsina, inaalala pa rin ni Xi Jinping ang turo ng kanyang ama. “Huwag kalimutan ang buong sikap na paglilingkod para sa mga mamamayan.” Ito ang aral mula sa ama, at orihinal na inspirasyong palagian niyang isinasagawa.
Noong Disyembre 20, 2012, binisita at kinumusta ni Xi Jinping ang mga mahirap na mamamayan sa nayong Luotuowan, probinsyang Hebei.
Sa mata ni Xi Jinping, ang kanyang unang silid-aralan ay pamilya, at ang mga magulang ay ang kanyang unang mga guro.
Sa silid-aralang ito nakuha ni Xi Jinping ang ginintuang pananaw mula sa ama.
Salin: Lito
Pulido: Rhio