Alerto ng baha, inilabas ng pamahalaang Tsino

2022-06-20 15:12:46  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Hunyo 19, 2022 ng State Flood Control and Drought Relief Headquarters ng Tsina na inaasahang magkakaroon ng mas marami pang pagbaha sa mga lugar sa kahabaan ng Pearl River, kaya mananatili ang Pangkagipitang Alerto sa Lebel 3 sa naturang mga lugar.

 

Bukod dito, hiniling ng nasabing departamento sa mga lugar sa kahabaan ng Ilog Yangtze na isagawa ang mga hakbangin sa pagkontrol ng baha at paghahanda ng saklolo dahil sa inaasahang pagbuhos ng ulan.

 

Samantala, sinimulan na ng mga lokal na pamahalaan ang mga kaukulang paghahanda upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga buhay at ari-arian.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio