CMG Komentaryo: Artikulo ng MFA ng Tsina, muling nagbunyag sa tunay na mukha ng Amerika

2022-06-21 11:06:55  CMG
Share with:

Sa talumpati tungkol sa patakaran sa Tsina kamakailan sa Asia Society ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, nagsulsol sa bantang mula sa Tsina, pinanghimasukan ang mga suliraning panloob ng Tsina, at dinungisan ang patakarang panloob at panlabas ng Tsina.

 

Bilang tugon, ipinalabas nitong Linggo, Hunyo 19, 2022 ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang isang artikulong pinamagatang “Kamalian at Katunayan ng Kaalaman ng Amerika sa Tsina,” kung saan ginamit ang mga katotohanan at datos para ibunyag ang pandaraya, pagkukunwari, at kapinsalaan ng isinasagawang patakaran ng Amerika sa Tsina.

 

Inilista ng artikulong ito ang 21 kamalian ng patakaran ng panig Amerika sa Tsina. Ipinakikita ng mga ito na ang Amerika ay tunay na pinakamalaking pinag-uugatan ng kaligaligan ng kaayusang pandaigdig, tagalikha at tagasulong ng “coercive diplomacy,” pinakamalaking bansang lumalapastangan sa karapatang pantao sa daigdig, at pinakamalaking “hacker empire” sa buong mundo.

 

Bukod pa riyan, napalawak din ang “mapagkunwaring multilateralismo” ng Amerika sa rehiyong Asya-Pasipiko na binubuo ang umano’y “Indo-Pacific Economic Framework (IPEF).” Layon nitong itatag ang regulasyong pangkalakalan na pinamumunuan ng Amerika, at pilitin ang mga bansa sa rehiyong ito na “kumalas sa Tsina.”

 

Ang nasabing balangkas na nakabase sa pangsariling kapakanan ng Amerika, ay nakakahadlang ng malaki sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig pagkatapos ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).


Salin: Lito

Pulido: Mac