Vlog ni Sissi-Chilled Mango Sago Cream with Pomelo

2022-06-21 00:10:04  CRI
Share with:

Noong 1984, nilikha ng Michelin chef na si Lei Garden Restaurant ang  Yang Zhi Gan Lu o Chilled Mango Sago Cream with Pomelo. At agarang naging popular ito sa buong daigdig.

 

Sa Father’s Day, ako ay gagawa ng Mango Sago Cream With Pomelo para sa tatay ko. May hypertension at high cholesterol ang tatay ko at pinapayuhang huwag kumain ng matatamis na paborito niya. Kaya, gagawa ako ng isang light version, isang sugar-free Chilled Mango Sago Cream with Pomelo.

 

Heto ang sangkap para sa sugar-free Chilled Mango Sago Cream with Pomelo para sa 3 cups: mangga, 500 grams, sago, 30 grams, pomelo, dalawang piraso, nonfat milk, 200 grams, coconut milk, 50 grams, at pinakaimportante- erythritol.

 

Unang unang, hiwain natin ang mangga, isang pisngi, gagamitin sa base at ang isa pang pisngi, gagamtin bilang toping.

 

Ilagay natin ang sago sa kumukulong tubig, 30 grams ay sapat para sa 2-3 tao. Huwag kalimutang haluin nang madalas para hindi maging malabsak. Kapag maging semi-transparent ang sago, tulad nito, puwede ng patayin ang apoy, takpan, at maghintay nang 10-15 mins hanggang maging lubos na transparent ang sago. Tapos, ilagay ang sago sa iced water.

 

Sunod, ihahanda natin ang pomelo at mango cream base.

  

100 grams mangga, dagdagan ng 200 grams gatas, 50 grams coconut milk at erythritol, tapos, meron na tayong base. Para sa karaniwang tao na walang problema sa puso at alta presyon, puwedeng palitan ang erythritol ng regular na asukal o condensed milk o cream.

 

Tapos, simple ang susunod na step, idagdag ang pomelo, sago, mango blocks. Ready to serve na.

 

Mayaman ang pomelo sa microelement na Kalium, Vitamin C, Pectin, Vatamin P at Chromium na mabuti sa mga matandang may problema sa puso at alta presyon.

 

At ang sago ay mabuti sa pagtunaw at pagpapanatili ng malasutlang balat.

 

Kahit may sakit, kailangang dagdagan ng konting tamis sa buhay, Sugar-free Chilled Mango Sago Cream with Pomelo. Father’s Day Special.


Video Editor: Sissi


Pulido: Mac