Pampalasyong Museo ng Hong Kong, pinasinayaan

2022-06-23 15:05:44  CMG
Share with:

Sa pagtataguyod ng Pampalasyong Museo ng Beijing at West Kowloon Cultural District Authority ng Hong Kong, pinasinayaan Miyerkules, Hunyo 22, 2022 ang Pampalasyong Museo ng Hong Kong.

 

Itatanghal dito ang mahigit 900 mahalagang relikya na kaloob ng Pampalasyong Museo ng Beijing, at 70% ng mga ito ay kauna-unahang ipapakita sa Hong Kong.

 

Ang Pampalasyong Museo ng Hong Kong ay opisyal na bubuksan sa publiko sa darating na Hulyo 2.

 

Sa kasalukyan, maari nang bumili ng tiket sa pamamagitan ng internet.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio