Pagtutulungan, kailangan ng Tsina at India para manormalisa ang bilateral na relasyon undefined Wang Yi

2022-06-23 15:16:21  CMG
Share with:

 

Ipinahayag nitong Miyerkules, Hunyo 22, 2022 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na dapat magtulungan ang Tsina at India para pasulungin ang pagbalik ng bilateral na relasyon sa landas ng matatag at malusog na pag-unlad sa lalong madaling panahon.

 

Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing nang araw ring iyon kay Pradeep Kumar Rawat, bagong Embahador ng India sa Tsina, sinabi ni Wang na mas malaki ang komong kapakanan ng dalawang bansa kaysa sa hidwaan.

 

Kaya dapat aniyang magkasamang harapin ng Tsina at India ang mga hamong pandaigdig at pangalagaan ang komong kapakanan ng dalawang bansa at mga umuunlad na bansa sa buong daigdig.

 

Ipinahayag naman ni Rawat na iginigiit ng India ang independiyenteng pakatarang panlabas, at nakahanda itong makipagtulungan sa Tsina, para pahigpitin ang pag-uugnayan, maayos na hawakan ang mga hidwaan, palalimin ang pagtitiwalaan, at panatilihin ang mainam na bilateral na kooperasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio