Serye ng programang pang-multimedia, inilunsad ng CMG sa GBA

2022-06-23 15:10:21  CMG
Share with:

 

Mula Hunyo 20 hanggang 30, 2022, isinasahimpapawid ng China Media Group (CMG) ang isang serye ng pang-araw-araw na programa sa Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area (GBA).

 

Kabilang sa mga programa ay isang oras na TV show at 12 oras ng online livestreaming.

 

Sa pamamagitan nito, umaasa si Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na maipapakita sa mga tagasubaybay sa buong daigdig ang pangkalahatang kalagayan ng pag-unlad ng GBA.

 

Samantala, kapuwa naman ipinahayag nina John Lee, Punong Ehektibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) at Ho Iat Seng, Punong Ehektibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (MSAR), na paglalapitin ng naturang mga programa ang ugnayan sa pagitan ng Hong Kong, Macao at Chinese mainland.

 

Ang GBA ay binubuo ng HKSAR, MSAR, at 9 na lunsod ng lalawigang Guangdong na gaya ng Guangzhou, Shenzhen, Zhuhai, Foshan, Huizhou, Dongguan, Zhongshan, Jiangmen at Zhaoqing.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio