Ukraine at Moldova, naging kandidatong miyembro ng EU

2022-06-24 15:06:57  CMG
Share with:

Ipinalabas nitong Hunyo 23, 2022, ni Charles Michel, Pangulo ng Konseho ng Europa na inaprobahan ng Summit ng European Union (EU) ang Ukraine at Moldova bilang kandidatong miyembro ng EU, at ang Georgia ay potensiyal na kandidato para maging miyembro ng EU.

 


Sinabi rin ni Michel na ito ay makasaysayang panahon, na sumasagisag na ang Ukraine ay tumahak ngayon sa mahalagang hakbang ng pagsapi ng EU.

 

Ipinahayag din ni Ursula von der Leyen, Tagapangulo ng European Commission, na ang naturang kapasiyahan ay hindi lamang magpapalakas sa Ukraine, Moldova at Georgia, kundi rin magpapataas ng kakayahan ng EU.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac