Sinabi nitong Huwebes, Hunyo 23, 2022 ng Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na mula noong Enero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon, ang halaga ng direktang pamumuhunan ng Tsina sa mga di-pinansiyal na larangan sa ibayong dagat, ay umabot sa mahigit 287 biyong yuan RMB na nagkakahalaga ng halos US$ 44.6 bilyon.
Ayon sa pahayag, noong unang limang buwan ng taong ito, ang halaga ng pamumuhunan ng Tsina sa larangan ng retail sales ay umabot sa mahigit US$ 8 bilyon na lumaki ng 20.8% kumpara sa gayung ding panahon ng taong 2021. Ang halaga ng direktang pamumuhunan ng Tsina sa mga di-pinansiyal na larangan ng mga bansa sa ilalim ng balangas ng Belt and Road Initiaive ay umabot sa US$ 8.19 bilyon na lumaki ng 10.2% kumpara sa gayung ding panahon ng taong 2021.
Salin: Ernest
Pulido: Mac