G7 Summit, binuksan sa Alemanya: kaguluhan sa pagitan ng Rusya at Ukraine, pagbubuhusan ng pansin

2022-06-27 14:48:43  CMG
Share with:

 

Binuksan Hunyo 26, 2022 sa Schloss Elmau sa Malayang Estado ng Bavaria, Alemanya ang tatlong araw na Summit ng Group 7 (G7 Summit).

 

Bilang tugon sa mga hamong gaya ng sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine, seguridad ng pagkaing-butil, pagtaas ng lebel ng implasyon sa buong mundo at mahinang prospek ng pagbangon ng kabuhayan, tatalakayin ng mga kalahok ang mga isyung kinabibilangan ng kabuhayan, imprastruktura, pamumuhunan, pandaigdigang partnership, sangsyon sa Rusya, pagbabago ng klima at mga hamon na dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Samantala, isang prinsipal na isyung pagbubuhusan ng pansin ay ang kaguluhan sa pagitan ng Rusya at Ukraine.

 

Bukod sa mga lider ng G7 na gaya ng Alemanya, Amerika, Pransya, Britanya, Italya, Canada at Hapon, inanyayahan ding dumalo ang mga lider ng India, Indonesia, Timog Aprika, Senegal at Argentina.

 

Sa pamamagitan ng video, dadalo rin sa summit si Pangulong Volodymyr Zelensky ng Ukraine.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio