Balita ng ilang media tungkol sa pinagmulan ng coronavirus, kasinungalingan — Tsina

2022-06-22 17:33:53  CRI
Share with:

Kaugnay ng balita ng ilang media tungkol sa di-umano’y pribadong sinabi kamakailan ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO) sa panig Europeo na “posibleng tumagas ang coronavirus mula sa isang laboratoryo sa lunsod Wuhan,” ipinahayag kamakailan ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang isyu ay nilinaw na ng Sekretaryat ng WHO sa panig Tsino.

 

Ani Wang, ipinagdiinan ng Sekretaryat ng WHO na hindi ipinahayag ni Ghebreyesus ang katulad na pananalita sa anumang bukas o pribadong okasyon.

 

Aniya pa, mariing ipinahayag ng Sekretaryat ng WHO na hindi totoo ang mga bali-balita, at tahasang tinututulan ni Direktor-Heneral Ghebreyesus ang nasabing mga ulat.

 

Ipinagdiinan pa ni Wang na ang umano’y pagtagas ng coronavirus mula sa laboratoryo sa Wuhan ay kasinungalinang niluto ng mga puwersang kontra-Tsina para sa kanilang hangaring pulitikal.


Salin: Lito

Pulido: Rhio