CMG Komentaryo: PGII, isa pang paglilinlang kontra sa Tsina

2022-06-28 13:11:24  CMG
Share with:

Sa G7 Summit na idinaos nitong Linggo, Hunyo 26, 2022 (local time) sa Alemanya, ipinatalastas ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang inisyatibang “Partnership for Global Infrastructure and Investment (PGII)” kung saan inihayag niyang kasama ng mga bansang G7, mangangalap ng 600 bilyong dolyares bago dumating ang taong 2027 para pondohan ang mga proyektong pang-imprastruktura sa buong mundo.

 

Kabilang dito, 200 bilyong dolyares ang ilalaan ng Amerika, ani Biden.

 

Kung malalim na pag-aaralan, makikitang ang inisyatibang ito ay isang planong pulitikal lamang na puno ng masamang hangarin.

 

Unang una, ang motibo nito. Nagkakaisa ang palagay ng mga tagapag-analisa na ang umano’y PGII ay naglalayong kumontra sa “Belt and Road” Initiative na iniharap ng Tsina.

 

Sa G7 Summit noong isang taon, iniharap ang umano’y “Build Back Better World (B3W)” Partnership kung saan plano nitong maglaan ng mahigit 40 trilyong dolyares para tugunan ang pangangailangan ng mga umuunlad na bansa sa konstruksyon ng imprastruktura.

 

Ngunit hanggang sa ngayon, mga 6 na milyong dolyares lang ang inilaang pondo.

 

Kaya, makikitang ang B3W at PGII ay kapwang pandarayang pulitikal lang ng politikong Amerikano na nagtatangkang dungisan at sirain ang “Belt and Road” sa gamit ang dahilang konstruksyon ng imprastruktura.

 

Ikalawa, mula sa kakayahan ng yaman. Saan magmumula ang pondo ng PGII? Ipinahayag ng panig Amerikano na sa loob ng darating na 5 taon, kukunin nito ang 200 bilyong dolyares mula sa pribado at pampublikong pondo.

 

Kaugnay nito, ipinalalagay ng Agence France-Presse (AFP) na dahil ang pondo ng PGII ay magmumula pangunahin na, sa mga pribadong mamumuhunan, wala itong garantiya.

 

Ang umano’y PGII ay posibleng magiging isa pang panlilinlang ng Amerika.

 

Nitong 9 na taong nakalipas sapul nang iharap ang “Belt and Road” Initiative, nakakapaghatid ito ng aktuwal na kapakanan para sa mga mamamayan ng mga bansa sa kahabaan nito.

 

Dapat alamin ng panig Amerikano na ang dahilan ng pagtanggap ng mahigit 100 bansa sa “Belt and Road” Initiative ay magandang hangarin at kahandaan ng Tsina na ibahagi ang pagkakataon ng pag-unlad sa daigdig, at matapat na pagbayad ng Tsina sa mga malalaking proyektong pangkooperasyon.


Salin: Lito

Pulido: Mac