Bagong satellite para sa oberbasyon ng Mundo, matagumpay na inilunsad ng Tsina

2022-06-28 16:21:40  CMG
Share with:

Jiuquan Satellite Launch Center, Tsina—Sakay ng Long March-4C carrier rocket, matagumpay na inilunsad nitong Lunes ng gabi, Hunyo 27, 2022 ng Tsina ang bagong satellite na Gaofen-12 03 para sa obserbasyon ng Mundo.

 


Pumasok na sa nakatakdang orbita ang naturang satellite.

 


Gagamitin ito sa mga larangang gaya ng land surveys, urban planning, road network design, crop yield estimation, at disaster relief.

 


Ito ang ika-6 na misyon ng Long March-4C carrier rocket sa kasalukuyang taon, at ika-425 paglipad din ng Long March series ng carrier rocket.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac