Ayon sa datos na inilabas ngayong araw, Hunyo 28, 2022 ng China Federation of Logistics & Purchasing (CFLP), mula Enero hanggang Mayo ng taong ito, ang halaga ng social logistics ng Tsina ay umabot sa mahigit 128 trilyong yuan RMB na lumaki ng 3% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2021.
Kabilang sa mga larangan ng lohistika, lumaki ang pangangailangan sa paghahatid ng mga paninda para sa industriya at pamumuhay ng mga mamamayan.
Ang halaga ng paghahatid ng mga paninda para sa industriya ay lumaki ng 3.3% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2021.
Lumaki naman ng 2.9% kumpara sa taong 2021 ang halaga ng paghahatid ng mga paninda para sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Pero ang halaga ng paghahatid ng mga inangkat na paninda ng Tsina ay bumaba ng 6.4% kumpara sa gayung ding panahon ng taong 2021.
Salin: Ernest
Pulido: Mac