Premyer Tsino: Dapat siguruhin ang hanap-buhay at pamumuhay ng mga mamamayan

2022-06-29 15:22:30  CMG
Share with:

 

Hiniling nitong Lunes, Hunyo 27, 2022 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga departamento ng pamahalaang sentral na dapat mabisa at magkasabay na ipatupad ang mga hakbangin sa pagpigil at pagkontrol ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, para patatagin ang pangangailangan sa hanap-buhay at siguruhin ang pamumuhay ng mga mamamayan.

 

Nang araw ring iyon, naglakbay-suri si Li sa Ministry of Civil Affairs at Ministry of Human Resources and Social Security.

 

Sa Ministry of Human Resources and Social Security, sinabi ni Li na sumusuporta ang pamahalaang sentral sa pagsisimula at pag-unlad ng iba’t ibang uri ng market entity na gaya ng mga pribadong bahay-kalakal.

 

Sinabi pa niyang ang pagsasanay na bokasyonal ay dapat makatugon sa pangangailangan ng pamilihan at lubos na gumamit ng bantahe ng lakas-manggagawa ng Tsina.

 

Samantala sa Ministry of Civil Affairs, sinabi ni Li na kahit na may anumang kahirapan, dapat pabutihin ng departamentong ito ang mga gawaing may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan.

 

Sinabi ni Li na sa kasalukuyan, kinakaharap ng bansa ang hamon ng epidemiya ng COVID-19 at mga kapahamakang pangkalikasan. Dapat aniyang pahigpitin ng departamentong ito ang pagmomonitor para agarang matuklasan ang mga mamamayan na kinakailangan ang tulong ng pamahalaan.


Salin: Ernest

Pulido: Mac