Vlog ni Sissi:Pinoy goods sa Chinese supermarket

2022-06-29 10:48:47  CRI
Share with:

Hello po, mga kaibigang Pinoy, ito muli si Sissi.

 

Ngayong araw, nandito ako sa supermarket malapit sa bahay ko para sa isang shopping hunt. Kaya guys, hali na at tingnan natin kung meron bang mabibiling mga produkto mula sa Pilipinas sa isang Chinese supermarket.  

 

Mahilig talaga  akong mamasyal sa supermarket. Kapag naaamoy ko ang kape, tinapay at prutas,  naririnig ang mga commercial jingles at nakikita ang  mga discounted items at bagong dating na produkto, agad na nawawala ang lahat ng stress at kalungkutan ko. Kayo rin ba nag eenjoy sa retail therapy?

 

Ah, tingan ninyo, anong nakita ko, pinya na galing sa Pilipinas, 6.99 yuan RMB o 49 pesos ang half kilo, tiyak na matamis ito, nilagyan pa ng  mga shop assistant ng sibuyas sa gitna  para di dumapo ang mga insekto.

 

Wow, saging naman, galing din sa Pilipinas. Merong dalawang uri, yong “super sweet” na may tatak na DOLE,  around 98 pesos limang piraso. At may isa pa, tinatawag na de-kalidad na saging, out of  stock na, at walang tatak.  mga 63 pesos ang half a kilo.

 

Kilala ng mga bodybuilders  ang  produktong ito - Century Tuna. 27.9 yuan RMB o mga 200 pesos ang isang  lata. Noong nasa Pilipinas pa ako, madalas na gumagawa ako ng tuna salad, napakasariwa ng mga lettuce sa Pilipinas, kasama ng tuna at low fat dressing ng Lady’s Choice, solb na solb ako!

 

Tapos, baka hindi ninyo alam, inaangkat na ng Tsina ang maraming coconut oil mula sa Pilipinas, bukod sa maliit na proposyon na ginagamit sa pagluluto at skin care, ang nakararami ay naging raw material para sa de-kalidad na detergent, tulad ng brand na ito na nakabase sa Guangdong ng Tsina, meron siyang coconut oil series.  Sabi raw, magandang gamitin  ang natural na coconut oil, ligtas at malusog. Galing, di ba?

 

Actually, ang YH supermarket kung nasaan ako ngayon ay parang Pure Gold, maraming pang-araw-araw na bilihin, kung pupunta sa mga malalaking groceries, merong mas maraming imported goods.  Sa pagkakaalam  ko, meron tindang San Miguel beer, coconut water at seafood galing sa Pilipinas.

 

Hay naku, alas-7 na ng gabi, oras nang umuwi. Bumili ako ng isang Oishi shrimp flakes para kay Maisy,  6.9 yuan RMB o 49 pesos, tiyak na matutuwa si Maisy.


Video Editor: Sissi


Pulido: Mac