Tulay na may pinakamataas na haligi sa buong daigdig, naisaoperasyon sa Tsina

2022-07-04 17:49:54  CMG
Share with:

Makaraan ang 4 at kalahating taong konstruksyon, pormal nang naisa-operasyon Hunyo 30, 2022, ang Jinyanghe Grand Bridge na matatagpuan sa Liangshan Yi Autonomous Prefecture, lalawigang Sichuan, dakong timog kanluran ng Tsina.

 

May kabuuang haba na 757.7 metro, at lapad na 16 metro ang tulay na ito.

 

Dahil naitayo ang tulay sa pagitan ng dalawang bundok, mayroon itong matataas na haligi. Ang pinakamataas sa mga ito ay umaabot sa 196 metro, na sintayog ng 65 palapag na gusali. Ito ang pinakamataas sa mga haligi ng tulay sa buong daigdig.

 

Dahil sa Jinyanghe Grand Bridge, mas giginhawa ang biyahe at pamumuhay ng mga lokal na mamamayan.

 

Ang nasabing tulay ay magiging daan din sa pagpasok ng mga lokal na produktong agrikultural sa mas malaking pamilihan, at magdudulot ng yaman para sa nayong Jinyang.

 

Narito ang mga larawan ng Jinyanghe Grand Bridge.

 


Salin: Sarah

Pulido: Rhio