“Statement on the Facts of Decent Work for Different Ethnic Groups in Xinjiang,” isinapubliko

2022-07-04 16:45:46  CMG
Share with:

 

Isinapubliko ngayong araw, Hulyo 4, 2022 ng Xinjiang University ng Tsina ang “Statement on the Facts of Decent Work for Different Ethnic Groups in Xinjiang,” na sarilinang isinagawa ng pamantasang ito.

 

Ayon dito, ang trabaho at gawain ng mga mamamayan ng iba’t ibang etnikong grupo sa Xinjiang ay sarilinang pinili, batay sa kani-kanilang kagustuhan.

 

Idinagdag pa ng ulat, na walang nangyayaring pamumuwersa sa mga mamamayan ng Xinjiang upang isagawa ang kanilang trabaho.

 

Anito, bumubuti rin ang buhay ng mga mamamayan ng Xinjiang sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap.

 

Ang naturang ulat ay isinulat ng Xinjiang University batay sa pag-aaral na isinagawa sa mga mamamayan ng iba’t ibang etnikong grupo ng Xinjiang at imbestigasyon sa kalagayan ng hanap-buhay sa lokalidad.