Vlog ni Sissi: Rainy Day Delights-inihaw na gatas

2022-07-04 22:49:21  CRI
Share with:

Pagpasok ng Hunyo, laging maulap o maulan ang panahon sa Beijing, kaya, madalas nakakansela o napapagpaliban ang maraming trabaho sa labas.

 

Marami ring tao ang medyo tumatamlay dahil sa kulay abong panahon.

 

Hindi natin kayang baguhin ang panahon, pero, puwede nating mabago ang damdamin.

 

Kaya, sa isang matamlay na araw ng Linggo, bagay na bagay na kumain ng konting mainit at konti matamis, isang rainy day delight – ang inihaw na gatas.

 

Heto ang lahat ng sangkap na kailangan natin:

·      500ml  gaatas

·      Dalawang pula ng itlog

·      50 gramo ng corn starch

·      30 gramo ng asukal

·      5 gramo ng keso


Narito naman ang paraan ng paggawa:

·      Paghaluin ang gatas, corn starch, asukal at dalawang pula ng itlog sa isang malaking mangkok

·      Initin ang kawali sa katam-tamang init

·      Ibuhos ang pinaghalong rekado sa mainit na kawali

·      Idagdag ang keso at tuluy-tuloy na haluin


Huwag kumurap ha! Sa loob ng 2 or 3 minuto, magiging medyo matigas na ito, at kailangang ilipat sa lalagayang may patag na ilalim.

 

Takpan ng plastic film at palamigin sa refrigerator sa loob ng 3 oras.

 

Matapos lumamig, hiwain sa 6 o 8 piraso.

 

Susunod, ilagay ang yema/pula ng itlog sa ibabaw ng mga nahiwang piraso.

 

Ilagay ang mga ito sa air fryer, 200 degree Celsius, 10 minuto.

 

Kung gagamit naman ng oven, 175 degree Celsius, mga 18 minuto.

 

Um, mabango! Heto ang inihaw na gatas, malambot, creamy, chewy at matamis.

 

Oras na para sa tsaa! Napakainam pampagaan ng pakiramdam, masarap kainin kasabay ng tunog ng ulan.

 

Magandang bagong linggo.


Video Editor: Sissi

 

Pulido: Rhio