Tsina, buong sikap na pinangangalagaan ang glacier ng Qinghai-Tibet Plateau

2022-07-12 16:15:43  CMG
Share with:

Ang glacier ay pangunahing pinagmumulan ng sariwang tubig sa buong daigdig. Ang bolyum ng yamang-tubig sa glacier ay katumbas ng dalawang-katlo ng kabuuang bolyum ng yamang-tubig sa buong daigdig.


Maliban sa South Pole at North Pole, may malawak na glacier ang Qinghai-Tibet Plateau ng Tsina.


Nitong ilang taong nakalipas, lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pangangalaga sa mga glacier ng Qinghai-Tibet Plateau. Isinapubliko nito ang mga hakbangin na gaya ng pagbalangkas ng batas ng pangangalaga sa kapaligiran, pagtatatag ng protected areas ng glacier at paglimita ng turismo sa naturang pinangangalagaang lugar.