International Conference on GIAHS, idaraos sa Tsina

2022-07-13 15:23:45  CMG
Share with:

Mula Hulyo 17 hanggang 19 ng taong ito, idaraos sa Nayong Qingtian ng lalawigang Zhejiang ng Tsina ang International Conference on Globally Important Agricultural Heritage Systems (GIAHS).

 

Ayon sa pahayag ng Ministri ng Agrikultura at Rural Affairs ng Tsina Martes, Hulyo 12 ng 2022, ang tema ng nabanggit na pulong ay magkasamang pangangalaga sa pamanang agrikultural at pagpapasulong ng komprehensibong pag-ahon ng kanayunan.

 

Inimbitahan sa pulong ang mga ministro ng agrikultura ng 13 bansa, pangkalahatang kalihim ng Food and Agriculture Organization ng United Nations, mga sugo ng 19 na bansa sa Tsina, mga dalubhasa at mga kinatawan ng bahay-kalakal.

 

Tatalakayin ng mga kalahok ang mga isyu na gaya ng GIAHS, sustenableng pag-unlad ng rural area, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga magsasaka.


Salin: Ernest

Pulido: Mac