Ayon sa datos na inilabas ng ngayong araw, Hulyo 13, 2022 ng General Administration of Customs (GAC) ng Tsina, ang bolyum ng pagluluwas ng Tsina noong unang hati ng taong ito ay lumaki ng 13.2% kumpara sa gayung ding panahon ng taong 2021. Samantala, ang bolyum ng pag-aangkat ng Tsina ay lumaki ng 4.8% kumpara sa taong 2021.
Ayon sa datos, ang exports sa nasabing panahon ay umabot sa 11.14 trillion yuan RMB, samantalang ang bolyum ng imports ay umabot sa 8.66 trillion yuan RMB.
Sinabi ni Li Kuiwen, Tagapagsalita ng GAC, na mula noong nagdaang Mayo, humupa ang kalagayan ng pandemya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at isinagawa ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin para panumbalikin ang normal na takbo ng mga bahay-kalakal na nagsasagawa ng kalakalang panlabas. Ang mga ito aniya ay nakakatulong sa paglaki ng kalakalang panlabas ng Tsina.
Salin: Ernest
Pulido: Mac