Ayon sa datos na inilabas kahapon, Hulyo 13, 2022 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, umabot sa 19.8 trilyong yuan RMB ang kabuuang bolyum ng kalakalan panlabas ng Tsina sa unang hati ng taong ito, na lumaki ng 9.4% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2021.
Sinabi ni Li Kuiwen, Tagapagsalita ng Adwana, na kahit kinakaharap pa rin ang mga hamong gaya ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at krisis sa Ukraine, lumulitaw ang tunguhin ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig at nananatiling matatag ang pangangailangan ng pamilihang pandaigdig.
Sinabi pa niyang aktibong isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin para patatagin ang kalagayan ng makro-ekonomiya.
Ito aniya ay nagpapasigla sa pag-aangkat.
Bukod dito, pag-asa rin aniyang mananatili ang paglaki ng kalakalang panlabas ng Tsina sa huling hati ng taong ito.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio