Vlog ni Sissi-Ovaltine Lava French Toast

2022-07-14 15:06:34  CRI
Share with:

Merong mahigit 300 libong Pinoy na namumuhay at nagtatrabaho sa Hong Kong. Sa puso ng maraming kaibigang Pinoy, ang Hong Kong ang No.1 na pinakapopular na tourist destination ng Tsina.

 

Dahil sa pandemya, di nakapagbyahe ang maraming tao. Pero, ngayong araw, samahan ninyo ako sa paggawa ng isang panghimagas na popular na popular ngayon sa mga tea houses ng Hong Kong.  Ito ang Ovaltine Lava French Toast.


Kung marunong kang magluto ng french toast, napakasimple nito.


Sa isang plato, pagsamahin ang 3 hanggang 4 na itlog at isang kutsarang evaporated milk. Tapos, ibabad ang mga tinapay sa binating itlog nang 1 minuto.

 

Sa isang sauce pan, tunawin ang mantikilya sa medium-low heat. Iprito ang mga tinapay hanggang maging golden brown, huwag kalimutan na dapat toasted din ang kabilang bahagi ng tinapay.

 

Pagkatapos, ilagay ang isang slice ng french toast sa plato. Ipahid ang manipis na layer ng condensed milk sa ibabaw. Ilagay ang isa pang slice ng french toast at pagsamahin.

 

Susunod, gagawa tayo ng lava-- sikreto ng pagiging espesyal at popular ng panghimagas na ito.

 

Tunawin ang 20 gramong mantikilya sa medium-low heat, tapos, idagdag ang 150mlmillilitre evaporated milk, at 40  gramong condensed milk sa pan. Haluing mabuti hanggang ang consistency ay maging thick o di na malabnaw.

 

Gumamit ng kutsara para palubugin ang gitna ng toast. At ibuhos ang lava o makapal na gatas sa nakalubog na parte ng toast. Budburan ng Ovaltine powder sa itaas.

 

Ready to serve na. Madali di ba?

 

Kahit napakataas ng kalorya, punong puno ito ng lasa ng kasiyahan,  malambot, matamis, konting pait, kapag kagatin, umaagos ang timpla ng gatas at choco powder, parang dumadaloy na lava ng bulkan burgan. Kahit hindi lumabas ng bansa, puwedeng tikman ang lasa ng Hong Kong sa bahay.


Magandang bagong linggo! 


Salin: Sissi

Pulido: Mac