Kooperasyon, ipinanawagan ng G20 para harapin ang problema ng kaligtasan ng pagkaing-butil at implasyon

2022-07-17 13:51:51  CRI
Share with:

Hulyo 16, 2022 sa Bali Island, Indonesia – Kasabay ng pagtatapos ng Pulong ng mga Ministro ng Pinansiya at Puno ng Bangko Sentral ng G20, narating ang komong palagay tungkol sa mga isyung gaya ng kaligtasa ng pagkaing-butil at kooperasyon sa pagharap ng implasyon.

Sinabi ni Sri Mulyani Indrawati, Ministro ng Pinansiya ng Indonesia, kasalukuyang nahaharap ang buong mundo sa maraming hamon at kailangang pawiin ng iba’t-ibang panig ang problema ng di pagkakatiwalaan.


Aniya, konektado ang mga problema sa daigdig na tulad ng kaligtasan ng pagkaing-butil, enerhiya, pagbabago ng klima, at pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).


Dapat palakasin ng buong mundo ang kooperasyon, dahil walang anumang bansang sarilinang makakalutas sa hamong pandaigdig, aniya pa.


Sinabi naman ni Perry Warjiyo, Puno ng Bangko Sentral ng Indonesia, na ipinangako ng G20 na isasagawa ang mas tamang patakaran ng makro-ekonomiya para harapin ang implasyon at pagbagal ng paglaki ng kabuhayan.


Ang Indonesia ang bansang tagapangulo ng G20 sa kasalukuyang taon.


Salin: Lito

Pulido: Rhio