Opisyal at personaheng Amerikanong sumusuporta sa teroristikong organisasyon, kinondena ng Iran

2022-07-17 13:49:35  CRI
Share with:

Kinondena Hulyo 16 (local time), 2022 ng Ministring Panlabas ng Iran ang mga opisyal at personaheng Amerikanong kumakatig sa People's Mujahedin, isang teroristikong organisasyon.


Kaugnay nito, pinag-ibayo ng Iran ang laman ng listahang nagpapataw ng sangsyon laban sa mga Amerikano.


Anang pahayag, nitong ilampung taong nakalipas, isinagawa ng People's Mujahedin ang di-mabilang na teroristikong aktibidad, na nagresulta sa kamatayan ng mahigit 17,000 inosenteng sibilyang kinabibilangan ng mga babae at bata.


Ngunit sa kabila nito, patuloy na sinusuportahan ng pamahalaang Amerikano ang nasabing organisasyon, na nagpapakita ng “double standards" ng Amerika, saad ng pahayag.


Kabilang sa naturang binagong listahan ay sina Mike Pompeo, dating Kalihim ng Estado; Rudolph William Louis Rudy Giuliani III, politikong mula sa Partido Republikano ng Amerika, at iba pa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio