Idinaos nitong Lunes, Hulyo 18, 2022 sa Beijing ang symposium hinggil sa pag-aaral ng mga talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kaniyang binigkas sa Pulong bilang pagdiriwang sa ika-25 anibersaryo ng pagbalik ng Hong Kong sa inang bayan at Seremonya ng Inagurasyon ng ika-6 na termino ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Sinabi sa naturang symposium ni Xia Baolong, Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) at Direktor ng Tanggapan ng Konseho ng Estado sa mga suliranin ng Hong Kong at Macao, na ang talumpati ni Xi ay sumagot sa mga tanong hinggil sa komprehensibong pagsasakatuparan ng prinsipyong isang bansa dalawang sistema.
Dumalo sa symposium sina Edmund Ho at Leung Chun-ying, mga Pangalawang Tagapangulo ng CPPCC, Lee Ka Chiu, Punong Ehektibo ng HKSAR, Ho Iat Seng, Punong Ehektibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao at mga dalubhasa mula sa mainland China, Hong Kong at Macao.
Ayon sa kahilingan ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), itinalaga ng symposium ang mga parallel sessions sa Hong Kong, Macao at lunsod ng Shenzhen ng lalawigang Guangdong.
Salin: Ernest
Pulido: Mac