Pangarap ng buwan ng mga Tsino

2022-07-19 15:54:31  CMG
Share with:

Ang Hulyo 20 tuwing taon ay itinuturing na Human Moon Day bilang paggunita sa kauna-unahang matagumpay na pagyapak sa buwan ng sangkatauhan noong Hulyo 20, 1969.

 


Ang Tsina ay may maraming alamat na may kinalaman sa buwan, at marami rin ang romantikong kaisipan ng mga tao tungkol sa buwan.

 

Walang tigil ang pag-aaral ng mga Tsino sa buwan.

 

Sa Xichang Satellite Launch Center, may isang istatuwa na tinatawag na “Paglipad ni Wan Hu sa kalangitan.”

 

Si Wan Hu noong Dinastiyang Ming ay kinikilala bilang “unang ekspertong Tsino sa kalawakan.”

 

Istatuwang “Paglipad ni Wan Hu sa kalangitan” sa Xichang Satellite Launch Center


Noong 1390, sakay ng silyang may 47 na rocket, tinangka niyang liparin ang buwan. Kahit nasawi siya dahil sa pagsabog ng mga rocket, ang mapangahas na eksperimento niya ay nakapaglatag ng landas para sa pag-aaral ng mga sumunod na henerasyon sa kalawakan.

 

Ang pagtuklas ng sangkatauhan sa kalawakan ay walang katapusan.

 

Lunar soil na kinuha ng Chang’e-5 lunar probe ng Tsina


Sinimulan ng Tsina ang Chang'e lunar exploration mission noong 2004, at matatag na sumusulong ang gawain sa larangang ito.

 

Mula Chang’e-2 hanggang Chang’e-5, unti-unting nagiging siyentipikong kaalaman ang mga dating kaisipan lamang tungkol sa buwan.

 

Re-entry capsule at parachute ng Chang’e-5 probe


Batay sa diwa ng pagtutulungan, pag-uugnayan, at win-win results, walang humpay na pasusulungin ng mga Tsino ang pagsasakatuparan ng pangarap ng nasyong Tsino sa eksplorasyon ng kalawakan at buwan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac