Mga corps commander ng Tsina at India, nag-usap hinggil sa isyu ng hanggahan

2022-07-19 16:17:07  CMG
Share with:

Ayon sa ulat na inilabas ngayong araw, Hulyo 19, 2022 ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, idinaos noong Hulyo 17 sa Chushul-Moldo ng India ang ika-16 na round ng Corps Commander Level Meeting ng Tsina at India.


Ayon sa ulat, patuloy na tinalakay ng dalawang bansa ang resolusyon ng mga isyung may kinalaman sa Line of Actual Control (LAC) sa kanluraning bahagi ng hanggahan ng Tsina at India.


Sumang-ayon ang dalawang panig sa pangangalaga sa seguridad at katatagan ng rehiyong ito at pananatili ng diyalogo sa panig diplomatiko at militar.


Ang ika-15 round ng nasabing pulong ay idinaos noong Marso 11 ng taong ito.


Salin: Ernest

Pulido: Mac