Iran: Sangsyon ng Amerika, hindi nakakatulong sa pagkakaroon ng komong palagay

2022-07-19 16:15:34  CMG
Share with:

Sinabi nitong Lunes, Hulyo 18, 2022 ni Hossein Amir-Abdollahian, Ministrong Panlabas ng Iran, na para marating ang komong palagay hinggil sa pagpapanumbalik ng komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran, dapat itigil muna ng Amerika ang pagpataw ng mga sangsyon at presyur sa kanyang bansa.


Ayon sa ulat sa website ng Ministring Panlabas ng Iran, nag-usap sa telepono nang araw ring iyon sina Abdollahian at Josep Borrell, Mataas na Komisyoner ng Unyong Europeo sa patakarang panlabas at seguridad.


Ipinahayag ni Abdollahian na nakahanda ang Iran na marating ang isang mabisa, maayos at matatag na kasunduan, pero dapat gamitin ng Amerika ang matapat at pragmatikong atityud para hanapin ang paraan patungo sa pagkakaroon ng kasunduan.


Salin: Ernest

Pulido: Mac