Alas singko ng madaling araw, at karamihan sa atin ay tulog pa. Araw-araw na bumibiyahe sa kanyang trabaho si PARASIAN MARALITUA mula siyudad ng Bekasi, papuntang Jakarta, kabisera ng Indonesia.
Kailangan niyang makipagsiksikan: 2 sakay ng tren, mahabang lakad, at isang sakay ng bus. Dalawa't kalahating oras ang naa-aksaya para sa 30 kilometrong biyahe papasok sa trabaho.
Dahil sa trapik, tulog na ang pamilya ni Para pag-uwi niya sa bahay. Wala nang oras para sa pamilya.
Ito ang karaniwang buhay ng mga trabahanteng nagmumula sa labas ng Jakarta.
Apatnaraang (400) oras ang ginugugol ng karaniwang Indones kada taon sa biyahe sa Jakarta – katumbas ng 10 taon ng kanilang buhay, at pinakamarami kumpara sa ibang malaking lunsod sa Asya.
Di-sapat ang imprastruktura sa transportasyon.
Pero paparating na ang pagbabago. Kada riles, kada tunnel, todo-bilis ang pagsulong...
Isa sa pinakamalaking proyekto sa bansa ay ang high speed tren sa pagitan ng Jakarta at lunsod Bandung, sa Kanlurang Java.
Ito ang unang proyekto ng high speed tren na ginagawa ng Tsina.
Ang $USD8 bilyong proyektong ito ay nagsimula noong 2013, kasabay ng introduksyon ng Belt and Road Initiative.
At ang nakikita ninyo rito ay hindi lang riles, kundi isang sistema ng ekonomikong sirkulasyon ng buong bansa.
Mahigit 85% ng trabahante rito ay Indones. Ang proyekto ay makakapagbigay ng mga 30,000 trabaho sa mga lokal na mamamayan.
Apat na istasyon, 13 tunnel, at ang isang ito, ay ang huli.
Ang high speed tren ay maisasaoperasyon sa kalagitnaan ng 2023.
Sa ngayon, ang daanan mula Jakarta papuntang Bandung ay paliku-liko sa gilid ng kagubatan – at ang mabigat na trapiko ay nangangahulugang 4 na oras ang katumbas ng 150 kilometrong biyahe.
Pero, sa madaling panahon, ito'y magiging mga 40 minutos na lamang, at dadalhin nito sa mga lunsod na konektado ang pag-unlad.
Ulat/Video: CGTN/Liang Shuang
Salin/Voice-over: Rhio Zablan
Patnugot sa website: Jade