Estatuwang tanso ng Mongheng Jianzhen, itinayo sa Tokyo

2022-07-20 15:30:27  CMG
Share with:

Itinayo sa Ueno Park sa Tokyo, Hapon ang estatuwang tanso ng Mongheng Jianzhen na gawa ni Wu Weishan, sikat na eskultor ng Tsina.

 

Sa seremonya ng pagtatanggal ng tabing, sinabi ni Kong Xuanyou, Embahador Tsino sa Hapon, na si Mongheng Jianzhen ay nagbigay ng malaking ambag para sa pagpapalitang pangkultura ng dalawang bansa.

 

Sinabi pa niya, na ang taong 2022 ay ika-50 anibersaryo ng pagsasakatuparan ng normalisasyon ng relasyong Sino-Hapones, at ang pagtatayo ng nasabing estatuwa ay may mahalagang katuturan.

 

Sinabi naman ni Yuriko Koike, Gobernador ng Tokyo, na malaki ang impluwensiya ni Mongheng Jianzhen sa pag-unlad ng kulturang Hapones.

 

Ipinahayag pa niya ang pag-asang sanaundefinedy maging mas maganda ang kinabukasan ng ugnayang Hapones-Sino sa pamamagitan ng pagpapalitan.

 

Si Mongheng Jianzhen ay isang sikat na monghe noong Dinastiyang Tang ng Tsina.

Pagkaraan ng 5 beses na bigong pagtawid sa dagat sa pagitan ng Tsina at Hapon, nagtagumpay siyang makarating sa Hapon noong 753 A.D.

 

Dinala niya ang mga aklat ng Budismo sa Hapon at nagbigay ng malaking ambag sa pag-unlad ng akademikong arkitektura, medisina at sining ng bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio