Kooperasyong pangkabuhayan, pangkalakalan at pagharap sa mga pandaigdigang hamong pangkabuhayan, palalakasin ng Tsina at EU

2022-07-20 15:28:05  CMG
Share with:

Sa pamamgitan ng video link, idinaos Hulyo 19, 2022 ang ika-9 na Diyalogo ng Kabuhayan at Kalakalan ng Tsina at Unyong Europeo (EU).

 

Dito ay sumang ayon ang dalawang panig na pahigpitin ang aktuwal na kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan, at magkasamang pagharap sa mga hamon sa kabuhayang pandaigdig.

 

Tinalakay rin sa pagtatagpo ang mga isyung kinabibilangan ng makro-ekonomiya, kadena ng suplay at industriya, kalakalan at pamumuhunan, at kooperasyong pinansiyal.

 

Sinabi ng dalawang panig na ang matatag at malusog na relasyon ng Tsina at EU ay nakakabuti sa kaunlaran at kasaganaan ng buong daigdig.

 

Sumang-ayon sila na magkasamang isakatuparan ang mga mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang panig para palalimin ang pagkaunawa sa isaundefinedt isa at pasulungin ang mga aktuwal na kooperasyon.

 

Samantala, upang magkasamang maharap ang mga hamon sa kabuhayang pandaigdig, nagkaisa ang mga kalahok na pag-ibayuhin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa patakaran ng makro-ekonomiya, pangalagaan ang katatagan ng pandaigdigang kadena ng suplay at industriya, magkasamang pangalagaan at pahigpitin ang sistema ng multilateral na kalakalan, aktibong pasulungin ang kalayaan at pasimplehin ang proseso ng kalakalan at pamumuhunan, likahin ang mas magandang kapaligiran sa pagpapatakbo ng negosyo, at ibayo pang pasulungin ang pagbubukas ng larangang pinansiyal sa isaundefinedt isa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio