Ika-19 na 2022 Asian Games, idaraos sa Hangzhou sa 2023

2022-07-20 18:49:45  CMG
Share with:

Inihayag Hulyo 19, 2022, ng Konseho ng Olympiyada ng Asya na idaraos mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 8, 2023 ang Ika-19 na 2022 Asian Games sa Hangzhou, Tsina.

 

Ito ay naunang itinakda mula Setyembre 10 hanggang Setyembre 25, 2022.

 

Ayon pa sa konseho, mananatiling “19th Asian Games Hangzhou 2022” ang opisyal na pangalan ng naturang palaro.

 

Pinasalamatan din ng konseho ang pagsisikap ng iba’t ibang panig at umaasa itong maidaraos sa bagong iskedyul ang pinakamabuting Asian Games sa Hangzhou.

 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio