Vlog ni Sissi: Isang araw sa Universal Studios Beijing

2022-07-20 15:27:15  CRI
Share with:

Ngayong araw, inaanyayahan ko kayong sundan ang vlog today para sa isang masayang pamamasyal sa bagong bukas  na Universal Studios Beijing. Ibabahagi ko ang ilang tips na sana ay makakatulong sa inyo para masulit at maging mas madali ang pagpasok sa Universal Studios Beijing sa hinaharap.

 

Kung maliit lang ang budget at namiss ang petsa ng pagbili ng fast pass tulad ni Sissi, gusto ko i-recommend na bumili ng isang early enter ticket sa travel agency o sa mga onlineshoping website, additional 20 yuan RMB o mga 150 pesos na mas mahal, puwedeng pumasok kayo ng parke nang isang oras na mas maaga o  alas-nuwebe ng umaga. At samantalahin ang isang oras na ito na tapusin ang paglibot sa mga rides sa Wizarding World of Harry Potter at Jurassic World Isla Nublar, kasi, pagnagbukas ang buong parke ng alas diyes baka kailangan kayong maghintay sa mahahabang linya nang 30 hanggang 90 minuto.

 

Ang pinakapopular na lugar sa Universal Beijing ay walang duda, ang Transformers: Battle for the All Spark at Harry Potter and the Forbidden Journey. Ginamit ng mga ito ang maraming maunlad na  teknolohiya tulad ng glass-free 5D, holographic projection at iba pa, sobrang totoo ang pakiramdam, sa mga rides, kayo ay magiging kakampi ni Harry at ng Autobots na magkasamang makipaglaban sa mga nakakatakot na dementor sakay ng lumilipad na broom o kalabanin  ang napakasamang  Decepticon sakay ng mabilis na tumatakbo na sasakyan, puwedeng makitang nasisira ang mga  bahay, marinig ang tunog ng Golden Snitch, maramdaman ang init ng daplis ng missile.

 

Pero, sakit ng ulo naman ang pagpila. Halimbawa, ito po ang linya sa labas ng Transformers: Battle for the All Spark, hindi marami? No no no, yan po ang tao sa likod ninyo at ito po ang mga tao sa harap ninyo. kaya, irerecommend ko  na mag download ng  Universal Beijing Resort Cellphone Application, updated  ang waiting time sa iba't ibang rides, kung nakita ninyo bumababa ang waiting time sa lugar na gusto ninyo subukan, huwag mag-atubilí, agarang pumunta roon. Malapit na malapit ang mga theme lands sa isa't isa, mga 10 minutong lakad lamang.

 

Bukod sa Harry Potter, Jurassic World at Transformers, bagong bago ang desenyo ng visual effects ng Minions at Kong Fu Panda, bagay na bagay sa mga bata 9  na taon pababa, partikular na, ang buong Kung Fu Panda Land of Awesomeness dahil ito ay nasa loob ng air-conditoned na gusali, parang isang city that never sleeps, bukod sa Journey of Dragon Warrior, meron limang kawili-wiling Kung Fu Games, napakacute naman ang setting at atomospera, parang bumalik sa panahon ng pagkabata.

 

Bukod sa mga rides, irerecommend ko din ang mga shows. Sa Water World Stunt Show, puwedeng lubos na mag-enjoy ng pagiging fully wet. At sa stage play na How to Train Your Dragon, puwedeng malaman ang sikreto kung paano magiging kaibigan ang isang dragon. Kung sobrang mainit ang panahon, medyo pagod ang kasamang bata, puwedeng magpahinga sa loob ng theater at mag relaks nang kalahating oras, dahil hindi kailangang pumila.

 

Tulad ng lahat ng tourist spots, medyo expensive ang mga pagkain at tubig sa Universal Beijing, mga 600 hanggang 2500 peso bawat tao ang isang meal, 120 pesos isang iced Coca-Cola at mga 80 pesos isang bottled water, pero, puwedeng magdala ng  sariling pagkain at tubig kapag pumasok sa parke at merong drinking water stations sa iba’t ibang lugar, kahit  mainit na drinking water meron kaya  puwedeng gumawa ng tea o coffee. Masarap naman ang pagkain sa mga restaurant sa parke, meron Chinese food pati na rin Western food. Sa theme land ng Minions, merong sikat na sikat na  ice cream ng may hitsura ng Minion at may lasang banana.

Last but not least, dahil sa pandemya, hindi pwedeng pumasok sa Universal Studios Beijing ang walk-in tourists. Advice ko na mag reserve or bumili ng tiket at least 3 days bago ang scheduled visit sa official website or sa travel agency.


Video Editor: Sissi


Pulido: Mac