Mula Hulyo 23, 2022, darating sa Tsina ang panahon ng Dashu, ika-12 sa 24 na solar term ng Nong Li o Tradisyunal na Kalendaryong Tsino.
Ang Dashu ay siya ring pinakamainit na panahon sa bansa.
Pero, sa panahon ng Dashu, hindi lamang napakainit ng panahon, madalas din ang pag-ulan sa dakong hilaga ng Tsina.
Bukod pa riyan, ang Dashu ay isa ring mahalagang panahon para sa pag-ani at pagtatanim ng pananim.