Isang mensahe ang ipinadala ngayong Linggo, Hulyo 23, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang Egyptian counterpart na si Abdel-Fattah al-Sisi bilang pagbati sa ika-70 pambansang araw ng Ehipto.
Tinukoy sa mensahe ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, buong tatag na tumatahak ang Ehipto sa nagsasariling landas, masiglang umuunlad ang konstruksyon ng bansa, at napapatingkad ang mahalagang impluwensiya sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Diin ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pagpapa-unlad ng relasyon sa Ehipto. Nakahanda aniya siyang magsikap kasama ni Abdel-Fattah al-Sisi para mapasulong ang magkasamang konstruksyon ng “Belt and Road” Initiative, isagawa ang kooperasyon sa pagsasakatuparan ng Global Development Initiative (GDI), maipagtanggol ang komong kapakanan ng mga umuunlad na bansa, at makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Lito
Pulido: Mac