CMG Komentaryo: Dapat magbayad ang Hapon ng daños sa pagtapon sa dagat ng treated nuclear contaminated water

2022-07-23 10:52:12  CMG
Share with:

Pormal na naaprobahan nitong Hunlyo 22, 2022 ng Nuclear Regulation Authority (NRA) ng Hapon ang plano ng Tokyo Electric Power Company na itapon sa dagat ang treated nuclear contaminated water ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant. Ito ay isang mapanganib na hakbang ng panig Hapones.


Sa kasalukuyan, may mahigit 1.25 toneladang nuclear waste water sa Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant.


Tinukoy ng mga siyentista na napakahirap na alisin ang mga radioactive isotope sa nuclear waste water. Sa loob ng 57 araw mula itapon ang ganitong tubig sa dagat, kakalat ang mga ito sa mahigit kalahating bahagi ng Pasipiko. Matapos ang 10 taon, makakapinsala ang mga ito sa mga karagatan ng buong mundo.


Dahil dito, sapul nang gawin ng pamahalaang Hapones ang mali nitong kapasiyahang itapon ang kontaminadong tubig sa dagat noong Abril ng nagdaang taon, walang patid na lumilitaw ang pagduda at pagtutol mula sa komunidad ng daigdig at mga mamamayang Hapones.


Kaugnay nito, sa halip na agarang makipag-ugnayan ang panig Hapones sa mga kaukulang panig para isagawa ang siyentipikong pagtasa sa legalidad ng plano nito, pagbatay sa mga datos, pagtiyak sa bisa ng mga purifying facilities, at siguruhin ang epekto sa kapaligiran, isinasagawa ng mga politikong Hapones ang mga panlilinlang.


Ang pagtatapon ng treated nuclear contaminated water sa dagat ay hinding hindi sariling suliranin ng Hapon.


Para sa sariling kapakanan, sisirain ng Hapon ang buong daigdig na napaka-iresponsable at walang anumang moralidad.


Ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), may obligasyon ang iba’t-ibang bansa sa pangangalaga sa kapaligirang pandagat.


Kung lantarang kikilos ang panig Hapones alinsunod sa kagustuhan nito, may karapatan ang komunidad ng daigdig na gamitin ang batas para humingi ng kompensasyon sa panig Hapones.


Salin: Lito

Pulido: Mac