Sapul nang pumasok sa kasalukuyang taon, sa epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), kasukdulang kalagayan ng klima, sagupaang heopulitikal, at iba pang elemento, apektado ang global food industrial at supply chains.
Resulta nito, tumataas ang presyo ng pagkaing-butil sa daigdig, at nasasadlak ang maraming low-income countries sa krisis ng pagkain-butil.
Kaugnay nito, sinabi nitong Hulyo 22, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pinakamahalagang bagay ang pagkain-butil para sa mga mamamayan.
Aniya, bilang pinakamalaking bansang nagpoprodyus ng pagkain-butil, ginagamit ng Tsina ang di-kukulangin sa 9% ng taniman na ipinuprodyus ang halos 1/4 na pagkaing-butil sa buong mundo, at napapakain ang 1/5 ng populasyon ng buong daigdig. Ito aniya ay mahalagang ambag para sa kaligtasan ng pagkain-butil sa daigdig.
Bukod pa riyan, nakakapagbigay ang Tsina ng positibong ambag para sa usaping ito sa daigdig.
Ani Wang, nitong mga taong nakalipas, ipinadala ng Tsina ang mga grupong teknikal sa malawak na masa ng mga umuunlad na bansa sa Asya, Aprika, Latin-Amerika, rehiyong Timog-Pasipiko para makapaglingkod sa mga nayon at magsasaka sa lokalidad, bagay na nakamit ang lubos na papuri ng mga kaukulang bansa.
Dagdag pa niya, isinasagawa ng Tsina ang pakikipagkooperasyong agrikultural sa mahigit 140 bansa’t rehiyon, ikinakalat ang mahigit 1,000 teknikang agrikultural sa malawak na masa ng mga umuunlad na bansa na nagdaragdag ng malaki sa ani ng mga trigo sa lokalidad, at nakikinabang dito ang mahigit 1.5 milyong pamilya ng magsasaka.
Salin: Lito
Pulido: Mac