Haikou, probinsyang Hainan ng Tsina — Binuksan Hulyo 25, 2022 ang Ika-2 China International Consumer Products Expo (CICPE) kung saan, makikita ang “unang paglabas ng mga produkto mula sa buong mundo, unang masisilayan ang mga pagtatanghal Asyano, at unang ilulunsad ang mga produktong mula sa Tsina.”
Inaasahang bibigyang-patnubay ng ekspong ito ang tunguhin ng konsumo, ilalabas ang potensyal ng konsumo, at isusulong ang pag-u-upgrade ng konsumo.
Nasa 100 libong metro kuwadrado ang kabuuang saklaw ng nasabing ekspo na nilalahukan ng mahigit 2,800 tatak mula sa buong daigdig.
Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na ang matagumpay na pagdaraos ng CICPE ay patuloy na makakapagpasigla sa konsumo.
Ang Pransya ang panauhing pandangal ng naturang ekspo sa kasalukuyang taon.
Matatandaang idinaos ang unang CICPE mula Mayo 7 hanggang 10, 2021, kung saan lumahok ang mahigit 30,000 mamimili at propesyonal na bisita sa kabila ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVOD-19).
Salin: Lito
Pulido: Rhio